DAKILANG BALIW - Amelia Pagdanganan D
- From Utak Topak To Brain Kalasag
Sa librong "Sino Ang Dakila? Sino Ang Tunay Na Baliw?", nagtatanong pa ako. Dito sa book 2, sure na ako kung sino.
Handa ka na bang muling makipagkwentuhan kay Lowluh? Offensive ako, baka masaktan ka. Acquired taste basahin ang aking writing style, hindi lahat willing to walk down this aisle. Pero kapag keri mo na, tara pag-usapan natin ang tungkol sa trauma. The goal of my first mental health book is, know your brain and change your life. Ngayon naman, hahanapin natin ang treasures sa likod ng trauma para malaman kung bakit buhay ay puno ng drama. Madalas itanong sa akin ng mga readers, "Gagaling ba ako kung babasahin ko ang libro mo?" Nyak! Hindi naman ito gamot, tsaka baka wala ka namang sakit, pero posibleng malaman mo dito ang sagot kung bakit ang dami mong hinanakit. Sa mga tanong na bumabagabag sa iyong isipan, baka UTAK KALASAG ang iyong kailangan. Kaya ano pang hinihintay mo? Hawak mo na ang libro, itodo mo na ang pagbabasa nito. Dali!
EAN: 9786210604023
Oprawa Skórzana